Linggo, Hulyo 23, 2017

Whoo!

Hindi ko alam kung paano talaga dapat gumawa ng blog kaya pasensya na po sa babasa kung sakaling mainis kayo sa mababasa ninyo.

Madami akong opinyon sa buhay na naiipon lang sa utak ko kaya naisipan kong sumulat para makagaan sa kalooban ko.

Madami akong mga katanungan na nabubuo sa pagmumuni-muni ko. Mga tanong na minsan kahit na naglalakad lang ako, kumakain, nagbabasa o nagsusulat ay bigla na lang nagsusulputan sa utak ko. Ang masakit doon, sa dinami-dami ng tanong ko wala namang nakakasagot dahil hindi ko naman naisasalita.

Masyado akong mahina para alamin ang sagot sa lahat ng tanong ko. Minsan parang alam ko din naman ang sagot sa tanong ko pero natatakot lang akong aminin sa sarili ko ang mapapait na katotohanan ng mundo.

Sa ngayon hindi ko muna ibabahagi sa iyo ang mgakaguluhan ng utak ko.

Gusto ko sanang maging anonymous dahil gusto kong mang batikos ng hindi ako magpapakilala. Sabihin mo nang duwag ako, hahayaan na lang kita dahil iyon naman ang totoo.

Mahina ako kaya pagpasensyahan mo sana.

#AwesomeFeels pero duda ako kung akma ng title ko sa tema, kaya pasensya na talaga

Sa ngayon hanggang dito na lang muna.